Home Celebrities Asawa ni Hidilyn Diaz na si Juluis Naranjo, sinabing mala-pelikula ang love story nila: “We’d be able to make a movie”

Asawa ni Hidilyn Diaz na si Juluis Naranjo, sinabing mala-pelikula ang love story nila: “We’d be able to make a movie”

0

Naniniwala ang coach at asawa ng Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz na maaring maging pelikula ang kanilang love story.

Ibinahagi ni Julius Naranjo sa kanyang anniversary letter para sa kanyang asawang champion weightlifter ang ilan sa mga larawan nila sa nakalipas na limang taon nila bilang magkarelasyon.

Ayon sa kanya ay sa loob lamang ng limang taon ay napakadami nilang napagdaanan na pagsubok na magkasama nilang nalagpasan.

“If we could tell our story of the last 5 years, we’d be able to make a movie.

“We’ve experienced the unimaginable and have achieved something we’ve never would’ve imagined together. But with all the things we’ve been through, the good and bad, we’ve always choose each other.

“I’ll be honest it’s not always easy, it hardly ever is, and if everyone could only understand our story, I think there’d be a different perspective on us. But it only makes our journey even more meaningful and allows us to work on being better people.

“To more Journeys, hardships, pain, and success. Let’s continue to build our future for US and for Weightlifting.” aniya.

 

Matatandaan na hindi puro papuri ang natanggap ng mag-asawa sa publiko sa mga nagdaang taon.

Noong 2019 ay naging kontrobersyal si Diaz at Naranjo dahil narin sa naging isyu ng atleta sa diumano’y kulang na pondo nito.

Isa si Naranjo sa mga napangalan noon ng Philippine Sports Commission (PSC) kung bakit hindi nila binigyan ng karagdagang pondo si Diaz.

“She wanted PSC to hire him as her strength and conditioning (S&C) coach with a salary of $1,500 and condo inclusive of utilities at $400 or a total of $1,900/month! Now, this fella is from Guam ??, named Julius Irvin Naranjo. If he really cares for and loves Hidilyn, why doesn’t he just help her without asking for remunerations?” ayon kay dating PSC Chairman Dr. Aparicio Mequi.

Ngunit sa kabila ng mga isyu na ibinato sa kanila ay naging matagumpay parin ang tandem ng dalawa at nabigyan ang Pilipinas ng kauna-unahang gold medal sa Olympics matapos ang 100 taon.

Facebook Comments