HomeCelebritiesAgot Isidro hindi na nakatiis at isinara na ang comment section sa...

Agot Isidro hindi na nakatiis at isinara na ang comment section sa publiko: “Kumita na kayo”

Nagdesisyon na ang aktres na si Agot Isidro na isara na ng tuluyan sa publiko ang kanyang comment section matapos ang pambabatikos na natanggap niya dahil sa kanyang ‘Japan Japan’ post.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Agot na ‘kumita na’ ang kanyang mga kritiko kaya’t oras na para isara ang kanyang comment.

“Comments are off. Sarado na tindahan. Kumita na kayo.” ani Agot sa mga netizen.

agot 4
Larawan mula kay @agot_isidro/Twitter

Mayroon din itong cryptic tweet na tila patama sa dalawang politiko.

“The man down under opened the gates of hell and laid the red carpet for the lazy and inept to walk right in.” sabi pa niya.

Mapapansin din na kahit ang mismong profile ni Agot ay sarado narin sa publiko at tanging mga followers niya na lamang ang makakakita ng kanyang mga tweet.

Matatandaan na isa si Agot sa mga nagbigay ng kanyang reaksyon sa mga balita na diumano’y pumunta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa bansa.

Ngunit napatunayan na nasa Ilocos lamang ang pangulo ng mga araw na ‘yon.

Hindi naman naiwasan magbiro ng pangulo tungkol sa mga kumakalat na balita.

“Welcome to Hokkaido!” pabirong sabi ng pangulo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular