Walang balak sabihin ng isang lalaki sa China ang kanyang pagkapanalo ng limpak limpak na salapi sa lotto.
Sa isang panayam, sinabi ng lalaki na tinago na lamang sa pangalang “Li” na 40 kombinasyon ang kanyang huling tinayaan bago siya manalo ng winning combination.
Libangan niya na talaga noon pa man ang pagtaya sa lotto at nanalo narin siya sa mga nakalipas ng maliliit ng premyo.
Aabot sa 219 million yuan o P1.7-B ang kanyang napanalunan matapos tumama ang lahat ng pitong numero na tinayaan niya.
Makikita sa isang video na nakasoot pa ito ng costume habang tinatanggap ang kanyang premyo sa Guanxi Welfare Lotto Distribution Centre sa Nanning upang maitago ang kanyang pagkakilanlan.
Ibinahagi nito na hindi niya ipapaalam sa asawa’t anak niya ang biglaan nilang pagyaman upang sa maiwasan na magbago ang kanilang pag-uugali.
Naniniwala kasi ito na baka maging tamad na ang kanyang asawa’t anak kapag nalaman na marami na silang pera.
“I didn’t tell my wife and child for fear that they would be too complacent and would not work or work hard in the future,” sabi ni Li sa isang panayam.
Nagbahagi naman ng 5 million yuan o P291-M sa isang charity bilang pasasalamat sa swerte na ibinigay sa kanya.