HomeCelebritiesHinusgahan agad si Otlum? Influencer na nanguha ng cellphone, may kinakaharap na...

Hinusgahan agad si Otlum? Influencer na nanguha ng cellphone, may kinakaharap na mental health problem

Naging usap usapan ngayon sa social media ang influencer na si Peejay Dela Cruz o mas kilala bilang ‘Otlum’ matapos itong mahuli sa CCTV habang nangunguha ng cellphone ng isang negosyante.

Lalo pang nag-trending si Otlum dahil sa paulit ulit nitong itinanggi na may ginawa siyang kasalanan at nagbigay pa ito ng kakaibang paliwanag.

Dahil dito ay hindi mapigilan ng ilang netizens na matawa at ang ilan ay ginawan pa ng meme ang influencer.

READ: Otlum dela Cruz, iginiit na hindi siya nagnakaw: “Hindi po masama ang aking ginawa”

Ngunit hindi lahat ay natuwa sa mga kumakalat na post tungkol kay Otlum, kasama na dito si Mia Angela Salvador Simon na isang miyembro ng Sangguniang Kabataan at mental health advocate.

Ayon kasi sa kanya ay ang pinagpipiyestahan sa social media ng mga netizen na influencer ay nakakaranas ng mental health problem.

Ibinahagi din ni Simon ang PWD ID ni Dela Cruz kung saan makikita na mayroon itong ‘psychosocial’ disability.

“Isa ito sa patunay na kulelat pa rin ang Pilipinas sa usaping mental health. Pero hindi tayo pwede sumuko na lang dahil marami pang Peejay out there ang nangangailangan ng tulong– a professional help (psychotherapy) at hindi pagtapak sa karapatang pantao.” sabi ni Simon sa kanyang post.

Sa ngayon ay mayroon ng 31,000 shares ang nasabing post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular