HomeCelebritiesBarbie Imperial, kinasuhan ng kapwa aktres na si Debbie Garcia matapos ang...

Barbie Imperial, kinasuhan ng kapwa aktres na si Debbie Garcia matapos ang pagtatalo nila dahil kay Diego Loyzaga

Opisyal ng nagsampa ng reklamo ang Vivamax artist na si Debbie Garcia laban sa kapwa niya aktres na si Barbie Imperial na diumano’y sinugod siya sa isang bar sa Quezon City.

Makikita sa CCTV footage ng nasabing bar ang diumano’y pagtatalo sa pagitan ni Debbie at Barbie na umabot sa kalmutan.

Ayon sa ilang ulat ay ang ex-boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga ang naging dahilan ng panunugod nito kay Debbie.

Matatandaan na naghiwalay ang dalawa noong Pebrero 22 ngunit hindi parin naiwasan na magkaroon sila ng mga isyu matapos ang kanilang relasyon.

312108195 444559081128237 115477809677981119 n

Ang Vivamax artist kasi ang pinaniniwalaang bagong ka-date ngayon ni Diego.

“Hinawakan umano ni Barbie nang mahigpit si Debbie sa braso. At doon na raw nagkaroon ng gulo ang dalawa, na umabot nga sa kalmutan, talakan, murahan, sakitan.” ayon sa ulat ni Rey Pumaloy.

Hindi naman makapaniwala si Debbie na magagawa na ganoon ang gagawin sa kanya ng kilalang aktres.

Dinepensahan naman ng internet celebrity na si Xian Gaza si Barbie at sinabi na putol ang CCTV footage na ibinahagi ni Debbie sa publiko.

May posibilidad kasi na si Debbie diumano ang naunang naghamon kay Barbie.

Tatlong kaso ang isinampa ni Debbie laban kay Barbie.

Wala pang opisyal na pahayag si Barbie tungkol sa pagsasampa sa kanya ng reklamo ni Debbie.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular