HomeCelebritiesABS-CBN News Anchor Tony Velasquez, hindi natuwa sa biro ni PBBM: "Natawa...

ABS-CBN News Anchor Tony Velasquez, hindi natuwa sa biro ni PBBM: “Natawa kaya yung mga namatayan sa baha”

Hindi ikinatuwa ng batikang ABS-CBN news anchor na si Tony Velasquez ang naging biro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa mga tsismis na siya ay pumunta sa ibang bansa nitong nakaraang weekend.

Matatandaan na nitong Oktubre 31 sa isang press briefing ay nagbigay ng maiksing mensahe ang pangulo sa mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanya.

“Welcome to Hokkaido,” natatawang sabi ng presidente.

READ MORE: Netizens, hindi ikinatuwa ang biro ni PBBM tungkol sa Japan: “Everything is a laughing matter to him.”

Binatikos ni Velasquez ang nasabing biro ni Marcos dahil sa nakaranas ng kahirapan ang mga Pilipino ng mga nagdaang araw dahil sa masamang panahon.

“Nakuha pa ni Pang. Marcos Jr. na magbiro, bilang sagot sa mga haka haka na nasa Japan siya habang meron nang nagaganap na malawak na kalamidad sa Pinas dulot ni Paeng. “Welcome to Hokkaido” ika niya. Natawa kaya yung mga namatayan sa bahay at guho?” banat ni Velasquez.

 

tony 1

Nagbahagi rin si Velasquez ng isang mini comic kung saan binabatikos ang pagbibiro ni Marcos sa gitna ng kalamidad.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento sa naging tweet ni Velasquez.

“I guess wala naman ding impact sknila yang joke. most of them sanay na neglected ng govt, instead of calling out the ineptness of this govt, mabigyan lang sila ng konting ayuda, ipagpapasalamat pa nila at tatanawing utang na loob na akala nila galing sa own pocket ng pulitiko.” sabi ni @momnicash.

“Nagbiro pero hindi naman sinagot. How hard is it to tell the truth? And these people na pinagtatanggol siya at sinasabing ayaw nya lang patulan yung mga chismis, hello? Hindi na sya candidate, he is the president and he needs to answer truthfully.” wika ni @maldita29

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular