HomeCelebritiesAbogado, naniniwalang isa si Tony Velasquez sa mga dahilan para hindi muli...

Abogado, naniniwalang isa si Tony Velasquez sa mga dahilan para hindi muli bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN

Naniniwala ang si Deputy Prosecutor Darwin Canete na isa si Tony Velasquez sa mga dahilan kung bakit hindi dapat muling bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Canete ang isa sa mga banat ni Velasquez laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan binatikos ng mamamahayag ang naging biro ng presidente tungkol sa mga nagpapakalat na siya ay pumunta sa ibang bansa nitong nakaraang weekend.

READ: ABS-CBN News Anchor Tony Velasquez, hindi natuwa sa biro ni PBBM: “Natawa kaya yung mga namatayan sa baha”

Ayon kay Canete ay paalala ito na ang ABS-CBN ay puno ng mga anti-Marcos personalities kaya naman hindi dapat pagbigyan ni PBBM ang Kapamilya network na bigyan ng panibagong prangkisa.

“The post of Tony Velasquez from ABS CBN should serve as a reminder that the network is riddled, perhaps is composed mostly of anti-Marcos personalities. A franchise, should never ever be allowed to return directly or indirectly to ABS CBN. In fact, any blocktiming agreements of the former channel should be reviewed.. let them rot. Let Rep. Marcoleta have at them.” ani Canete.

Matatandaan na hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN sa ilalim ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa sa mga dahilan na ipinupukol ng ilang kongresista ay ang pagiging ‘bias’ diumano ng ABS-CBN pagdating sa pagbabalita tungkol sa ilang kilalang personalidad kasama na si Duterte.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular