HomeCelebritiesSinger na si Lyca Gairanod, isa sa mga apektado ng bagyong Paeng:...

Singer na si Lyca Gairanod, isa sa mga apektado ng bagyong Paeng: “Wala na ang bahay”

Lubos ang naging kalungkutan ng singer na si Lyca Gairanod matapos mawasak ng Bagyong Paeng ang kanyang dating tahanan ng 17 na taon.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Lyca ang ilang larawan ng nasabing bahay na hindi na matitirhan dahil sa hagupit ni Paeng.

Nakatayo sa tabing dagat ang nasabing bahay kaya naman isa ito sa mga lubos na naapektuhan ng bagyo.

Kasama ni Lyca ang kanyang lola na hindi rin maitago ang panghihinayang dahil sa nangyari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LYCA (@lycagairanod.1)

“Sobrang nasa-sad ‘yung lola ko, siyempre simula noong dito ako pinanganak, 17 years ko nang nakasama itong bahay so nasira lng siya ng bagyo,” ani Lyca.

Hindi narin diumano nila ito maipapagawa dahil wala naring kasiguraduhan kung magiging ligtas pa ba ang nasabing bahay.

Makikita rin sa video na wala ng natira sa gamit ng kanyang lola.

Sa ngayon ay hiling parin ng kanyang lola na sana’y maayos pa ang nasabing bahay.

“Ang gusto ni Lola ipaayos, ipapaayos natin kasi ayaw n’ya talagang pabayaan ‘yung bahay namin. Gusto niya talagang laging nakikita. Wala namang problema doon, kasi matanda na rin ang lola ko, dapat kung saan siya masaya, doon tayo,” aniya.

Nagpasalamat naman si Lyca sa mga nagpaabot ng tulong sa kanila at masaya parin ito dahil sa ligtas ang kanyang lola.

Nakilala si Lyca matapos itong magwagi sa The Voice Kids Philippines at pumasok din ito sa pag-arte sa ABS-CBN.

Ibinahagi din nito na mas pinili niya na hindi na umalis sa kinalakihan niyang lugar kaysa sa manirahan sa siyudad.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular