HomeCelebritiesRichard Yap, binatikos ang isang telecom dahil sa patuloy na pagpapadala sa...

Richard Yap, binatikos ang isang telecom dahil sa patuloy na pagpapadala sa kanya ng notice: “Akala nila takasan natin sila sa 599 pesos”

Hindi ikinatuwa ng aktor na si Richard Yap ang patuloy na pagpapadala sa kanya ng notification ng isang telecommunications company upang paalalahanan siya tungkol sa pagbabayad niya.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Yap ang reklamo niya sa Smart Telecom dahil sa kahit na hindi pa naman paparating ang kanyang due date ay nakakatanggap na siya ng sunod sunod na tawag upang paalalahanan siya na magbayad.

Makikita sa screencap na ibinahagi ni Yap na nakatanggap siya ng tawag mula sa nasabing kumpanya ng apat na beses na isang minuto lamang ang pagitan.

Ayon sa kanya ay sampung taon na siyang subscriber ng nasabing telecom kaya’t hindi na siya dapat pinapaalalahanan pa tungkol sa kanyang pagbabayad.

“Grabe tong @LiveSmart tawag ng tawag kahit di mo pa due date . Akala nila takasan natin sila ng 599 pesos when we’ve been subscribers for more than 10 years already. Pero pag Wala tayong signal sa area natin di naman nila inaayos.” ani Yap.

richard yap 3

Agad naman na nagbigay ng tugon ang Smart kay Yap upang tulungan ito sa kanyang problema.

Si Yap ay nakilala sa programang ‘Be Careful With My Heart’ na maituturing na isa sa mga pinakamatagumpay na programa ng ABS-CBN.

Tumakbo rin itong Kongresista ng Cebu City noong 2019 at 2022 ngunit natalo ito dahil narin sa ilang kumakalat na isyu laban sa kanya.

Isa sa mga isyu na kinahakaharap niya ay ang paglutang ng diumano’y nagpakilalang anak niya na ilang beses na siyang hinamon na magpa-DNA.

READ MORE: Richard Yap, kinasuhan ng nagpakilala niyang ‘anak’: “Hinahamon kita mag pa DNA test, ayaw mo naman”

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular