HomeNetizen's VoiceNetizen, inireklamo ang tila katahimikan ng publiko kapag Mindanao ang nakakaranas ng...

Netizen, inireklamo ang tila katahimikan ng publiko kapag Mindanao ang nakakaranas ng kalamidad: “Where are the vloggers & influencers?”

Hindi napigilan ng isang netizen na maglabas ng sama ng loob gamit ang kanyang social media page dahil sa tila katahimikan ng publiko kapag mayroong nangyayaring kalamidad sa Mindanao.

Matatandaan na nitong nakaraang weekend ay binaha ang ilang lugar sa Mindanao kung saan pinaka-apektado ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao’s (BARMM).

Nasa 500,000 na indibidwal ang naapektuhan ng Paeng sa BARMM.

Ayon kay Netizen Maaño ay tila mas tahimik ang publiko kapag sa Mindanao mayroong masamang nangyayari.

“The entire country was in disarray when a super typhoon slammed the islands of Visayas and Luzon.. But why is everyone so quiet as MINDANAO drowns right now? This is how it has always been! Where are the vloggers & influencers??” ani Maaño.

“We need your platforms to spread words on what’s happening in our kababayans in COTABATO and MAGUINDANAO province! People and animals are dying!!! Homes, schools, and hospitals are being washed out!! My heart breaks with these people.. knowing that they have been one of the most welcoming and kindest people I’ve met.. I am aware of the resilience and independence of the people of Mindanao. But each of us must do our part!! In this crisis, THEY NEED US!!!” dagdag pa niya.

raymond 1

Pinaliwanag pa ni Maaño na hindi nakakatanggap ng parehong atensyon ang mga probinsya sa Mindanao kumpara sa mga malalaking siyudad.

“What I’m trying to say here is that Cotabato and Maguindanao are not receiving the same attention like the big and well-known cities who have previously faced the same issue. These provinces in Mindanao really needs media attention… both on social and tv networks.. not by just broadcasting news to everyone, but also by launching fundraising campaigns.” paliwanag niya.

“Similar to what the netizens & communities did for all the cities that experienced the same problem before.. That’s why I called out all the influencers and LGUs of different cities so that together we can start raising funds for all the affected areas and not wait on what the government will give us. We should not always rely and depend on them.. their funds are limited.” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay mayroon ng 27,000 shares sa social media ang nasabing post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular