HomeNetizen's VoiceMiyako Izabel at ilang Kakampink, tumanggi na tumulong sa Cotabato dahil hindi...

Miyako Izabel at ilang Kakampink, tumanggi na tumulong sa Cotabato dahil hindi nanalo doon si Robredo

Tumangging magpakita ng simpatya ang kilalang ‘Kakampink’ na si Miyako Izabel sa probinsya ng Cotabato na matatandaang nakaranas ng malawakang pagbaha.

Nitong nakaraang weekend ay libo libong mga taga Cotabato ang humingi ng tulong dahil karamihan sa kanila ay na stranded sa baha.

Nasa 500,000 ang mga apektado ng pagbaha sa Bangsamoro region kung saan kasama ang Cotabato.

Ngunit kahit na madami ang nangangailangan ng tulong ay walang balak si Izabel na tumulong sa mga taga Cotabato dahil sa natalo si Robredo sa nasabing probinsya.

miyako 1

Ito rin ang naging pahayag ng ilang followers ni Izabel sa kanyang Twitter.

313382992 3063711000593618 8472689915962903526 n

313366014 3063710793926972 8927780558725086344 n

Inulan ng batikos sa social media ang nasabing komento ni Izabel at ng ilang Kakampink.

Dahil dito ay agad na nilinaw ni Izabel kung para saan ba ang kanyang tweet.

Paliwanag niya ay dapat ang hanapin ng mga tao ay ang kanilang mga ibinoto noong nakaraang halalan katulad na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Sige, tutulungan ko kayong intindihin ang tweet na ito. Solidong maka-Marcos kayo. Kay Marcos kayo humingi ng tulong? ‘Yan ang tweet.” aniya.

“HANAPIN NIYO SINA MARCOS AT DUTERTE. SILA ANG BINOTO NIYO. NANINIWALA KAYO SA KANILA. SINASAMBA NIYO. BAKIT PARANG NATATAKOT O NAHIHIYA KAYONG HUMINGI NG TULONG SA KANILA. MAY CONFIDENTIAL FUNDS SILA. HINGIN NIYO. BINOTO NIYO SILA PARA MAY GAGAWIN SILA PARA SA INYO.” dagdag pa niya.

“Noong VP si Leni at nasa posisyon pa noon, mababasa mo ang direktang paghingi ng tulong sa kanya sa social media. Nangyayari ba ‘yan ngayon kina Marcos at Duterte?” sabi pa nito.

miyako 3

Sa ngayon ay may libo libo ng reaction sa social media ang mga tweet ni Izabel.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular