HomeCelebritiesJerry Gracio, Agot Isidro hindi natuwa sa 'Hokkaido' joke ni PBBM: "The...

Jerry Gracio, Agot Isidro hindi natuwa sa ‘Hokkaido’ joke ni PBBM: “The audacity!”

Hindi ikinatuwa ng natalong nominee ng Kapamilya party-list at manunulat na si Jerry Gracio ang ginawang pagbibiro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa mga balita na siya ay pumunta sa Japan sa gitna ng pananalasa ng Paeng.

Nitong Oktubre 31 ay hindi naiwasan magbiro ni Marcos sa isang press conference sa Cavite kung saan tinignan niya ang epekto ng Paeng sa nasabing probinsiya.

“Welcome to Hokkaido,” natatawang sabi ng presidente.

Binatikos ni Gracio ang nasabing pahayag ni PBBM dahil sa madami ang naapektuhan ng Paeng.

“The audacity to say welcome to Hokkaido when people are dead, thousands are homeless, needing immediate help. We are still clueless of his whereabouts in the midst of the storm, but yeah, welcome to Hokkaido.” ani Gracio sa kanyang tweet.

Hindi pa ito tumigil sa kanyang pambabatikos sa naging biro ni PBBM.

gracio 1

Nagbigay din ng tugon si Agot sa naging biro ni PBBM.

“Tawang-tawa pa eh. Akala cute. 🤮” ani Agot.

gracio 2

Ilang netizen naman ang ipinagtanggol si PBBM sa mga banat ni Gracio at Isidro at sinabi na ‘napahiya’ ang mga ito dahil sa walang katotohanan ang pagpunta ng pangulo sa Japan.

gracio 3

Matatandaan na ilan lamang si Gracio at Isidro sa mga nagbigay ng reaksyon tungkol sa diumano’y pagpunta ng pangulo sa Japan.

“Mahirap bang magsabi na nasa Ilocos lang ako? O nasa Davao? O nasa carinderia? People will understand if you say: Nasa abroad ako dahil long weekend. Mahirap bang magsabi ng totoo?” sabi ni Gracio sa kanyang nakaraang post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular