HomeCelebritiesCherry Pie Picache parte ng pelikula ni Joel Lamangan: "Importante na malaman...

Cherry Pie Picache parte ng pelikula ni Joel Lamangan: “Importante na malaman nila kung ano ang pinaghirapan ng tao noon”

Excited na ang beteranang aktres na si Cherry Pie Picache na maging parte ng pelikula ni Direk Joel Lamangan na pinaniniwalaang sagot sa ‘Maid in Malacanang’ ni Direktor Darryl Yap.

Sa isang panayam sa kanya ay sinabi ni Cherry Pie na ang ‘Oras de Peligro’ ay isang importanteng proyekto na maaring magpaalam sa mga bagong henerasyon kung ano ang pinaghirapan ng mga tao noong People Power Revolution.

Ang nasabing pelikula ay tungkol sa isang simpleng pamilya na namuhay apat na araw bago ganapin ang People Power na nagpatalsik sa dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cherry Pie Picache (@yescppicache)

“Importante na malaman nila kung ano ang pinaghirapan ng mga tao noon para alagaan nila kung ano ang meron sila ngayon,” pagbabahagi ni Cherry Pie.

Ayon sa kanya ay ilan sa mga dahilan niya kung bakit siya excited na maging parte ng Oras de Peligro ay dahil narin sa makakatrabaho niyang muli ang batikang direktor na si Lamangan at gusto niya rin istorya ng nasabing pelikula.

“I like the film.. the whole film.. I like the way that was written, we have a very good script. Hindi madrama, very factual, very sincere, very truth,” aniya.

Umaasa naman na susuportahan ng publiko lalong lalo na ng mga kabataan ang Oras de Peligro na inaasahan na ipapalabas sa susunod na taon.

“Whether you agree or not, you will learn a lot of things. Sana panoorin niyo at suportahan,” pagbabahagi ni Cherry Pie.

Makakasama ni Cherry Pie sa pelikula sila Mae Paner, Allen Dizon at iba pang kilalang mga artista.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular