HomeCelebritiesAra Mina, ibinunyag ang problema sa relasyon ng kapatid niyang si Macky...

Ara Mina, ibinunyag ang problema sa relasyon ng kapatid niyang si Macky Mathay at nobya na si Sunshine Cruz: “May pinagdaraanan sila”

Ibinunyag ng aktres na si Ara Mina na mayroong pinagdaraanang problema ng kanyang half-brother na si Macky Mathay at nobya nitong si Sunshine Cruz.

Sa press conference ng kanyang pelikula na “Katok” sinabi ni Ara na ipinagdarasal niya ang pag-aayos ni Macky at Sunshine.

Normal lang naman diumano na magkaroon ng problema sa isang relasyon kaya’t naniniwala siya na masosolusyunan din ito ng dalawa.

Ayon pa sa kanya ay mas pinipili na lamang nni Macky at Sunshine na gawing pribado ang mga detalye tungkol sa kanilang relasyon lalong lalo na ang mga problema nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ara Mina Almarinez (@therealaramina)

“Sa isang relationship naman, normal lang naman na nangyayari ‘yon. I really don’t know. I haven’t talked to Shine. Gusto ko kasi pag nakausap ko sila personal. May naririnig lang ako tapos mine-message ko sila na ‘I hope you guys are fine.’ Si Shine kasi nasa lock-in taping. Si Macky naman sobrang busy. Mas maganda kasi marinig ko ng personal ‘yung both sides kung ano man ang pinagdadaanan nila,” aniya.

“Dumadating naman na alam ko nag-aaway sila noon pero hindi naman lumabas sa media. Siguro dahil busy si Shine, busy si Macky, siguro time for each other ang nawawala,” dagdag pa niya.

Sana lamang daw ay mapag-usapan pa ni Macky at Sunshine ang kanilang mga problema.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

“Basta mag-pray lang. Kahit anong mangyari, sana sila pa rin. Nasa pag-uusap lang ‘yan ng maayos. Ramdam ko na may pinagdadaanan sila,” sabi pa niya.

Matatandaan na napag-usapan narin nitong nakaraan si Sunshine dahil sa mga balita na diumano’y nakipagbalikan na to kay Cesar Montano.

Itinanggi naman ito ni Sunshine at sinabi na malabo na silang magkabalikan ng dati niyang asawa dahil sa mayroon na itong bagong pamilya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular