HomeCelebritiesOtlum dela Cruz, iginiit na hindi siya nagnakaw: "Hindi po masama ang...

Otlum dela Cruz, iginiit na hindi siya nagnakaw: “Hindi po masama ang aking ginawa”

Nag-trending sa social media ang influencer na si Peejay ‘Otlum’ dela Cruz matapos itong akusahan ng pangunguha ng cellphone ng isang negosyante.

Sa panayam sa kanya ng GMA News, ibinahagi ni Otlum ang kanyang kakaibang paliwanag kung bakit hindi maikokonsidera na iligal ang kanyang ginawang pagkuha sa cellphone na nakuhanan pa ng CCTV footage.

Naniniwala siya na hindi maituturing na ‘pagnanakaw’ ang kanyang ginawa dahil sa hindi naman siya pumasok sa mismong establisyemento.

313898760 1279533429568357 8874862993863836123 n

“Ang dipinisyon ng magnanakaw ay papasok sa isang establisyimento
at walang abog-abog ay magbubububuklat at kukuha ng mga bagay na nasa pribado na, na lugar.” ani Otlum.

“Pero ang nangyari po sa akin, ako po ay nasa labas ng tindahan. Ni hindi po ako pumasok, nakita ko lamang ang cellphone na ito sa ibabaw ng pasimano at ito po aking kinuha. Hindi po masama ang aking ginawa dahil ang akin pong konsensya ay clear.” dagdag niya pa.

Matatandaan na noon pa lamang ay kilala na sa internet si Otlum dahil sa kanyang kakaibang pagkilos at pananalita.

Ngunit hindi inaakala ng mga netizens na magagawa ng influencer na gumawa ng masama sa kanyang kapwa.

Matatandaan na nag-viral pa ito noong nakaraang linggo dahil sa kanyang pagpunta sa isang sikat na coffee shop na hindi diumano niya inaakala na mapapasok.

Sa ngayon ay pinag-iisipan pa ng complainant kung itutuloy ba nila ang kaso laban kay Otlum.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular