HomeCelebritiesNetizens, hindi ikinatuwa ang biro ni PBBM tungkol sa Japan: "Everything is...

Netizens, hindi ikinatuwa ang biro ni PBBM tungkol sa Japan: “Everything is a laughing matter to him.”

Humarap sa media ngayong araw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang bigyan ng update ang publiko tungkol sa epekto ng Paeng sa bansa.

Sa nasabing press briefing na ginawa sa Cavite ay ibinahagi ni Marcos ang ilan sa mga magiging aksyon niya upang matugunan ang problema ng mga apektado ng bagyo kasama na ang mga magsasaka na nawalan ng tanim.

Bago ito umalis ay nagbiro pa ito sa isyu na kinaharap niya nitong mga nakaraang araw na tungkol sa pagbiyahe niya diumano sa Japan nitong weekend sa gitna ng pananalasa ni Paeng.

“Welcome to Hokkaido,” natatawang sabi ng presidente.

Matatandaan na itinanggi ng Malacanang na umalis ng Japan ang pangulo katulad ng ipinapakalat ng ilang kritiko nito.

Hindi naman lahat ng netizens ay ikinatuwa ang biro ni Marcos.

“Everything is a laughing matter to him. Nothing will ever be serious to him. So many victims are suffering he just laugh it off.” sabi ni netizen Rene Kambal.

“Tignan mo may pa joke joke pa sa dulo…di ka naawa sa mga nagbuwis Ng buhay? At bakit Ngayon ka lng may pa press conference saan ka ba galing sir???” ani Fatima Espina.

May mga nagtanggol din naman sa pangulo at sinabi na hayaan na lamang ang mga bumabatikos dito.

“Matagal n tyu nghihirap khit p yung mga nkaraAng pangulo antayin nlng ntin ang pwedeng gawin ni bbm,” wika ni Leisel Galve.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular