HomeSocial MediaGeneral Gerald Bantag, ipinasilip ang kanyang mga ari-arian kay Anthony 'Ka Tunying'...

General Gerald Bantag, ipinasilip ang kanyang mga ari-arian kay Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna

Ipinakita ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) director-general Gerald Bantag ang kanyang mga ari-arian na matatandaan na pinuna noon ng napaslang na mamamahayag na si Percy Lapid.

Sa isang panayam, ipinakita ni Bantag kung ano nga ba ang nasa loob ng kanyang tahanan na itinampok ni Lapid sa kanyang programa noong Septyembre 5, isang buwan bago ito nasawi.

bantag 2
Larawan mula kay Anthony “Ka Tunying” Taberna/FB

Matatandaan na itinago ni Lapid sa pangalang ‘Lalaking Cinderella’ si Bantag dahil diumano sa biglaan nitong pagyaman ng siya ay naupo bilang pinuno ng BuCor.

READ MORE: ‘Lalaking Cinderella’ na isang opisyal na huling binatikos ni Percy Lapid, itinuturong suspek ng ilang netizens

Ayon pa kay Lapid ay nasa 11 ang sasakyan ni Bantag na nakaparada sa isang ‘exclusive’ subdivision.

bantag 4
Larawan mula kay Anthony “Ka Tunying” Taberna/FB

 

Ngunit sa panayam sa kanya ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna ay itinanggi nito na ganoon kadami ang kanyang sasakyan.

Ipinakita din ni Bantag kay Taberna ang ilan sa mga parte ng kanyang tirahan upang maipasilip sa publiko kung ano ang pamumuhay niya.

bantag 3
Larawan mula kay Anthony “Ka Tunying” Taberna/FB

Nilinaw rin ni Bantag na ang kasalukuyang tirahan sa nasabing subdivision ay nirerentahan lamang nila at lupa pa lamang ang kanyang property sa nasabing lugar.

Hindi naman maiwasan ng heneral na magbiro tungkol sa pagtawag na ‘exclusive’ sa kanyang tinitirhang subdivision dahil sa hindi naman maituturing na mansyon ang kanyang tinutuluyan.

bantag 5
Larawan mula kay Anthony “Ka Tunying” Taberna/FB

Ayon sa kanya ay binabalak pa lamang nila na magtayo ng sariling bahay sa nasabing subdivision at hindi totoo na ang lupang ‘yon ay gagawin lamang parking ng kanyang mga sasakyan.

Ipinaliwanag niya rin na ang ilan sa mga sasakyan na pinaghihinalaan na pagmamay-ari niya ay nakarehistro sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ang isang mamahaling sasakyan naman na nahagip ng video ni Lapid ay pagmamay-ari naman ng kapitbahay niya.

Ibinigay naman diumano sa kanya ng kanyang kaklase ang 4×4 na kanyang ginagamit sa kanyang libangan na off-roading.

Hindi naman itinanggi ni Bantag na simula ng siya ay maupo sa BuCor ay marami ang nagbigay ng suporta sa kanya ng pinansyal ngunit sinigurado niya na wala itong magiging kapalit.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular