HomeCelebritiesGen. Gerald Bantag, may babala kay PBBM: "Maging watchful ka, baka yan...

Gen. Gerald Bantag, may babala kay PBBM: “Maging watchful ka, baka yan ang maging downfall mo”

Kung siya ang papipiliin mas gusto diumano ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director-General na si Gerald Bantag na malagay sa ataul kaysa sa selda.

Ito ang kayang sinabi sa panayam sa kanya ni Anthony “Ka Tunying” Taberna nitong Oktubre 31 kung saan ay sinabi nito na hindi niya papayagan ang sarili niya na maghimas ng rehas dahil sa pagkakadawit sa kanya sa pagkasawi ng mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kasi sa kanya ay alam niyang hindi rin siya magtatagal ng buhay sa loob ng selda dahil sa dami ng kanyang nakaaway dahil sa kanyang pagiging mahigpit sa BuCor.

bucor bantag

“Ipapahintulot ko bang makulong ako? P*tayin na lang ninyo ako kasi alam ko ang mangyayari sakin,” sabi ni Bantag.

“Magp*p*tayan na lang kami ng gobyernong ito,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Bantag na siya ang idinidiin na mastermind sa nangyari kay Lapid dahil sa siya lamang ang pinangalanan sa 160 na persons of interest na iniimbestigahan ng mga otoridad.

Ayon din sa kanya ay mali ang ginawang press conference ng DILG kung saan pinangalanan nila ang ‘middleman’ na nasawi din kalaunan.

Ilan pa sa mga binahagi ni Bantag ay ang pagtanggap niya ng pera sa ilang indibidwal bilang ‘tulong’ diumano sa kanyang adhikain na mapanatili ang kaayusan sa BuCor.

Itinanggi naman ng heneral na mayroong kapalit ang tulong na ibinibigay sa kanya.

Samantala ay nagbigay din ng babala si Bantag kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga taong nakapaligid sa kanya.

“Kailangan maging watchful ka, Mr. President dahil baka ‘yan magiging downfall mo.” babala ni Bantag.

Pinangalanan ni Bantag si former AFP chief-of-staff at ngayo’y BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr na siyang makikinabang diumano kung sakali na mapatalsik siya ng tuluyan.

“Hindi niya ba alam na si General Catapang ay miyembro ng RAM na nagpatalsik sa kanyang tatay niya noon?” aniya.

“Hindi niya ba alam na si Catapang eh nilagay ‘yung mga kwestiyonable ngayon doon sa BuCor,” dagdag pa niya

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular