Pumanaw na ang isa sa mga miyembro ng APO Hiking Society na si Danny Javier matapos ang ilan taon nitong pakikipaglaban sa kanyang karamdaman.
Sa kanilang opisyal na pahayag, kinumpirma ng pamilya Javier ang nangyari sa legendary OPM artist at humingi rin sila ng privacy.
“Our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way,” sabi ni Justine Javier Long.

“Maraming salamat po. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyong lahat para sa kanya. Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami’y kasama mo.” dagdag pa niya.
Matatandaan na ibinahagi nitong nakaraan lamang ng isa sa mga kasamahan ni Javier sa APO na si Boboy Garrovillo na humaharap sa pagsubok ang kanyang kaibigan.
Nitong 2020 naman ay ibinunyag ni Javier na mayroon siyang ksaramdaman sa puso, baga at bato.
Hindi naman naitago ni Garrovillo ang pagkalungkot sa nangyari kay Javier.
“Just feeling the loss of an old faithful friend who knew what love is although sometimes it just doesn’t show. My friend lives on in his music.” ani Garrovillo.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang isa pang kasamahan ni Javier na si Jim Paredes.
Naging parte si Javier ng APO ng mahigit 40 na taon at hindi na mabilang ang mga kanta nilang sumikat.
Ilan lamang sa kanilang awitin ay ang Awit ng Barkada, When I met You, Pumapatak ang Ulan at Yakap sa Dilim.