HomeCelebritiesAnyare? Sarah Geronimo, binura ang sulat niya para sa kanyang mga magulang

Anyare? Sarah Geronimo, binura ang sulat niya para sa kanyang mga magulang

Hindi na makita sa social media ni ‘Popstar Royalty’ Sarah Geronimo ang kanyang sulat para sa mga magulang niya na sina Delfin and Divine Geronimo.

Sa nasabing liham ay humingi ng tawad si Sarah sa kanyang mga magulang matapos ang biglaan niyang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli.

Matatandaan na hindi naging maganda ang reaksyon ni Mommy Divine sa pagpapakasal ni Sarah na sinubukan pa diumanong pigilan ng ina ng singer.

sarah 2
Larawan mula kay Sarah Geronimo/FB

Matapos ang mahigit dalawang taon ay inamin ni Sarah na lagi niyang naiisip ang kanyang mga magulang.

“Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito, sa paraan din na ito.. na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po,” ani Sarah.

“Mahal na mahal ko kayo.. daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip,” dagdag pa niya.

sarah g open letter
Larawan mula kay @justsarahgph/Instagram

Umani ng libo libong reaksyon sa social media ang nasabing post ngunit matapos ang ilang araw ay bigla na lamang itong binura ni Sarah.

Hindi naman malaman kung may kinalaman ba ang asawa nitong si Matteo sa pagkakabura ng post ni Sarah.

sarah g open letter 2

Nananatili ring misteryo ang tugon ni Mommy Divine at Daddy Delfin sa naging liham sa kanila ni Sarah.

Matatandaan na pambihira lamang magsalita si Sarah tungkol sa kanyang pribadong buhay kaya naman ikinagulat ng mga netizens ang naging liham ng singer.

Tingin ng ilan ay ikinabigla lang din ni Sarah ang nakuhang exposure ng kanyang liham kaya nagdesisyon na lamang siyang burahin ito at idaan na lamang sa pribado ang kanyang mensahe.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular