HomeCelebritiesInfluencer na si Otlum Peejay Dela Cruz, hinuli dahil diumano sa pangunguha...

Influencer na si Otlum Peejay Dela Cruz, hinuli dahil diumano sa pangunguha ng cellphone

Usap usapan ngayon sa social media ang pagkahuli sa influencer na si Peejay dela Cruz o mas kilala bilang si ‘Otlum’.

Sa ibinahaging video ni netizen Josua Esquivel, makikita ang influencer habang nakikipagtalo sa kanyang biktima sa loob ng isang barangay hall.

Todo tanggi ang influencer sa mga paratang sa kanya ng kanyang biktima kahit na nakita na sa CCTV ang ginawa nito.

Sa nasabing CCTV footage, makikita si Otlum habang bumibili ng tinapay sa bakery ng bigla na lamang nitong kunin ang cellphone ng biktima ng tumalikod ito.

Ngunit nagbigay ng kakaibang paliwanag ang influencer ng iharap ito sa barangay hall.

“Hindi ko ninakaw, una sa lahat nakalagay sa cellphone sa ibabaw ng estante..” paumpisa ni Otlum. “Walang dumadampot nung cellphone so ibig sabihin walang may-ari kaya tinangay ko na ‘yung cellphone,” 

Paulit ulit nitong iginiit na ang akala niya’y walang may-ari ng nasabing cellphone kaya niya ito kinuha.

Lalo pang nanlumo ang biktima ng malaman na naibenta na kagad ni Otlum ang kinuha niyang cellphone.

Nag alok pa si Otlum na ibabalik niya na lamang ang perang nakuha niya sa pagbebenta ng cellphone at ang sim card ng biktima.

Sa huli ay nagmatigas talaga ang influencer at sinabi na hindi siya gumawa ng kahit na anong kamalian.

Hindi rin napigilan ng influencer na magtaas ng boses sa kanyang biktima.

“Wala akong pagkakamali doon, sino ba ang nag-iwan ng cellphone?” tanong pa ni Otlum

Matatandaan na nag-viral pa sa social media si Otlum nitong nakaraan matapos siyang kumain sa isang sikat na coffee shop.

“NOT IN MY WILDEST DREAMS WHO WOULD HAVE TOUGHT MIMA A HOMELESS PERSON BASHED BY MANY NOW CAN AFFORD TO TREAT MY SELF TO WORLD FAMOUS COFFEE SHOP STARBUCKS……thanks Starbucks Philippines,” sabi ni Otlum sa kanyang viral post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular