HomeCelebritiesSharon Cuneta, inamin na alam na kailangan magpa-appointment sa Hermes: "Hindi rin...

Sharon Cuneta, inamin na alam na kailangan magpa-appointment sa Hermes: “Hindi rin ako nagyabang.”

Ilang linggo matapos ang kontrobersyal na hindi pagpapapasok kay Sharon Cuneta sa boutique ng Hermes Store sa South Korea ay nagsalita muli ang megastar upang linawin ang ilang mga bagay tungkol sa nasabing isyu.

Matatandaan na nitong Oktubre 1 ay ibinahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang diumano’y hindi pagpapapasok sa kanya sa Hermes kaya naman pumunta na lamang ito sa kabilang luxury store na pagmamay-ari ng Louis Vuitton upang doon nalang bumili.

Matapos ang kanyang pamimili sa LV ay hindi nakalimutan ni Sharon na dumaan sa harapan ng Hermes boutique at tumitig sa doorman na hindi nagpapasok sa kanya.

READ MORE: Sharon Cuneta itinaboy ng doorman sa Hermes Store sa South Korea

Ngunit itong Oktubre 28 ay nilinaw ng megastar na alam niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya pinapasok sa Hermes at kung ano ang dahilan nito.

Ayon sa kanya ay alam niya na kailangan muna na magpa-schedule ang mga pupunta sa nasabing boutique ngunit nagbakasakali parin ito na magwalk-in.

“I know, of course, I know that you need an appointment with an Hermès boutique before you can go…” paliwanag ni Sharon.

“Naintindihan ko agad yung guard. Wala namang kinalaman yung guard, bakit naman sasama ang loob ko?” dagdag pa niya.

Itinanggi rin ni Sharon na niyabangan niya ang doorman ng nasabing boutique.

“Hindi rin ako nagyabang. Kaya sabi ko, ‘Yes, I cannot go [inside]. Look, I bought everything.’ Ginanun ko lang siya, pero nakangiti ako,” aniya.

Hindi rin diumano siya umaasa na makakaranas siya ng VIP treatment.

“Kung meron hong may alam noon, walang iba kundi ako. Siyempre ako ang unang-unang may alam. Na hindi naman po ako b*b*. Siyempre, alam ko na wala namang may kilala sa akin sa Korea, kundi Pinoy din. So, parang why will you expect VIP treatment from… first of all, I’m not the type, okay?” sabi pa niya.

Nakiusap naman ito sa mga netizen na kalimutan na ang isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular