HomeCelebritiesRR Enriquez, sinabing 'wrong move' ang rebelasyon ni Wilbert Tolentino: "Mas lalong...

RR Enriquez, sinabing ‘wrong move’ ang rebelasyon ni Wilbert Tolentino: “Mas lalong minahal ng tao si Zeinab”

Naniniwala ang tinaguriang ‘Sawsawera Queen’ na si RR Enriquez na mali ang ginawang ‘rebelasyon’ ng talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino laban sa kanyang kumare na si Zeinab Harake.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni RR na maaring gustong sirain ni Wilbert ang career ni Zeinab ngunit kabaliktaran ang naging resulta nito.

“Itong si sir Wilbert has ulterior motive. And feeling ko yung motive na yun is baka pabagsakin si Zeinab na,” sabi ni RR na unang nakilala bilang isa sa mga dancer ng Wowowee.

Ayon kasi kay RR ay tila mas inulan ng pagmamahal ngayon si Zeinab sa social media.

“Dun nagkamali si sir Wilbert. Hindi niya alam mas lalong minahal ng tao si Zeinab. Gaya ngayon humingi ng sorry si Zeinab, inako niya yung kanyang pagkakamali” paniwala niya.

Matatandaan na naging usap-usapan sa social media ang mga screenshots na ibinahagi ni Wilbert kung saan makikita ang mga pahayag ni Zeinab laban diumano sa ilang kilalang influencer katulad nina Ivana Alawi, Robi Domingo, Madam Inutz at Whamos Cruz.

Ilan sa mga nabanggit na influencer ay pinatawad na si Zeinab.

Hindi naman nagpatalo ang mga tagasuporta ni Zeinab at may inilabas din silang mga rebelasyon laban kay Wilbert.

Ilan na dito ang diumano’y mga kwestiyonableng negosyo nito.

Itinanggi naman ni Wilbert na sangkot siya sa iligal na aktibidad.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular