HomeCelebrities'Oras de Peligro' ni Joel Lamangan, tungkol sa huling apat na araw...

‘Oras de Peligro’ ni Joel Lamangan, tungkol sa huling apat na araw bago ang EDSA: “Ang pelikulang ito hindi ito pink, hindi ito dilaw”

Ibinahagi ni Direktor Joel Lamangan na mayroon ng titulo ang kanyang pelikula na sinasabi niya noon na ipantatapat niya sa likha ni Direktor Darryl Yap na ‘Maid in Malacañang’.

Sa isang press conference, ibinahagi niya na ang ‘Oras de Peligro’ ay isang pelikula na tungkol sa huling apat na araw bago mag-umpisa ang EDSA People Power Revolution noong Pebrero 22, 1986.

Ayon kay Lamangan ay itatampok sa pelikula ang isang mahirap na pamilya na nasaksihan ang pagpapatalsik ng taumbayan sa mga Marcos sa pamamagitan ng EDSA.

Ang pelikula ay ipo-produce ng Bagong Siklab Productions na isa sa mga convenors ng grupong 1Sambayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey Javier Reyes (@direkjoey)

Ibinahagi rin ni Lamangan na magiging parte ng pelikula sina Cherie Picache, Allan Dizon & Mae Paner na kilala din bilang si ‘Juana Change’.

Sinabi rin ni Joel na ang kanyang pelikula ay pawang katotohanan lamang ang ipapakita tungkol sa kasaysayan.

Plano nilang ilabas ang pelikula sa Pebrero sa susunod na taon katapat ng anibersaryo ng EDSA.

Itinanggi naman ni Lamangan na ‘sagot’ niya ang nasabing pelikula sa Maid in Malacañang kahit na ito ang kanyang sinasabi sa mga nakaraang press conference.

 

“Hindi po ito sagot sa Maid In Malacanang. Wala po akong intensyon na sagutin ang Maid in Malacanang. Ito po ay pelikula na nangyari nung 1986, nung apat na araw ng Pebrero 1986 bago ang rebolusyon sa Edsa,” aniya.

“Gusto ko lang sabihin na ang purpose sa paggawa nitong Oras de Peligroay hindi para sagutin ang kung anuman. Bahala sila sa iisipin nila, kung yun ang gusto nilang isipin,” dagdag pa niya.

Nilinaw niya rin na walang masasabing masama ang pelikula niya tungkol sa kasalukuyang pamumuno.

“Itong pelikulang ito ay hindi nagsasabi ng kung anumang masama laban sa kasalukuyang administrasyon—walang ganun. Hindi ito nagsasabi ng anumang sama ng nakaraang administrasyon—wala.” sabi pa ng batikang direktor.

Hindi rin ito tungkol sa ‘dilaw’ o ‘pula’ o ano mang kulay sa politika.

“Ako, rainbow. Rainbow ang kulay ko!” pabirong sinabi ni Lamangan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular