HomeCelebritiesMayor sa North Cotabato, nanawagan ng rubber boat: "May ire-rescue aming pamilya....

Mayor sa North Cotabato, nanawagan ng rubber boat: “May ire-rescue aming pamilya. Hindi namin kaya”

Nanawagan na ng tulong ang alkalde ng Pigcawayan, North Cotabato dahil sa hirap na sila na mai-rescue ang ilang pamilya sa kanyang nasasakupan.

Sa isang Facebook post, makikita si Mayor Totoy Agustin na kasama mismo sa rescue operation sa isang barangay sa Pigcawayan na halos abot dibdib na ang baha.

Ayon sa kanya ay mayroon silang kailangang i-rescue na pamilya sa nasabing barangay ngunit hindi na nila kaya pang umabante dahil nasa lampas tao na ang baha sa kanilang dadaanan.

Dahil dito ay nakiusap si Agustin na sana’y mabigyan sila ng rescue boats.

“May ire-rescue kaming pamilya dito. Hindi namin kaya. Hindi kami maka-abante,” aniya.

Matapos ang kanyang panawagan ay inulan ng tulong si ang LGU ng Pigcawayan at hindi naman nalimutan ng alkalde na magpasalamat.

Ibinalita ni Agustin na nagpadala ng mga karagdagang rescuer ang gobyerno sa kanilang lugar.

Nagbigay din ng tulong ang ilang grupo para sa mga apektado na pamilya ng baha.

“Labas ang aking pasasalamat sa mga tumulong ngayong araw para ma rescue ang mga evacuees,” ani Agustin.

Sa ngayon ay mayroon ng 31 na naiulat na nasawi sa Mindanao habang papalapit ng papalapit ang Bagyong Paeng sa bansa.

Inaasahan na magla-landfall ngayong araw si Paeng sa Northern Samar.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular