Hindi maitago ng mga netizens ang pagkatuwa matapos mag-trending sa social media ang isang video na kuha sa isang lugar sa Bataan kung saan makikita ang pagsabay ng isang grupo ng mga drummer sa kumpas ng isang lalaki na mayroong down syndrome.
Umabot na sa milyon milyong views ang nasabing perfromance ng grupong Trebor Drummer na mula sa Orani, Bataan dahil sa kanilang espesyal na performance.
Nakilala ang lalaki na may down syndrome na si Oronel Santos o mas kilala bilang ‘Alden’.
Kitang kita ang kaligayahan nito habang sumasayaw sa musika ng mga drummer na nagpe-perform sa isang event sa Floridablanca, Pampanga.

Kwento ni Robert Yñeco ng Trebor Drummers ay naging parte na ng kanilang performance si Alden noon ng imbitahan nila ito sa isang event.
Ikinagulat na lamang nila na nitong nakaraang Linggo ay pinuntahan muli sila ni Alden upang mag-perform kaya naman hindi niya na pinalampas ang pagkakataon na kunan ito ng video.
Talaga naman daw kina-aaliwan si Alden ng mga residente ng Floridablanca dahil sa pagiging bibo nito.
Hindi naman mapigilan ng mga netizens na puriin ang nasabing grupo dahil sa binigyan ng mga drummer ng kasiyahan si Alden.
“GLORY TO GOD…GANYAN DAPAT..GOOD JOB PO SA MGA DRUMERS….PINASAYA MOPO KAMING MGA VIEWER…” sabi ni Ronile Glenn Tiro.
“Humanity & Respect glance together! Giving good vibes,” ani Yhana Roque.
“Salute to the drummers..ang laking saya ng binigay nyo sa kanya..kahit kaming mga nakapanood ng vid.na to napasaya nyo kami..job po sa inyo at ky kuya..give happiness to others,” ani Zaira Rosales.
Umabot na ng libo libong reactions at views sa social media ang nasabing video.