HomeCelebritiesBianca Gonzales, sinagot ang netizen na pinuna ang 2,300 na nanood ng...

Bianca Gonzales, sinagot ang netizen na pinuna ang 2,300 na nanood ng kanyang vlog

Hindi napigilan sagutin ni Bianca Gonzales ang isang netizen na pinuna ang tila hindi pagiging popular ng kanyang vlog sa video sharing platform Youtube.

Sa kanyang Twitter, ibinahagi ni Bianca ang palitan nila ng mensahe ng nasabing netizen na tinanong kung bakit 2,300 lamang ang nanonood ng kanyang vlog.

Ayon sa kanya ay iba naman ang kanyang rason kung bakit siya nagbuo ng vlog.

“Pa-isa nga lang. Dahil hot topic din naman ngayon ang YouTube, engagement at views. I often get this comment meant to bash me: “Ay, walang views ang vlog niya.” Let me get one thing clear: iba-iba ng rason ang tao to create content on YouTube.” sabi ni Bianca.

Dito na ipinaliwanag ni Bianca na ginawa niya ang kanyang vlog upang makatulong sa ibang tao at hindi para sa engagement at views.

“Ngayon. Kung sa 2,300 na nanood ng video, may 1 o 5 o 10, o kahit 20 na gumaan ang bigat na nararamdaman, nabigyan ng idea on how to handle their problem, o na-inspire makagawa ng solusyon sa pinagdadaanan nila, THAT to me is success. That makes my work fulfilling and rewarding.” paliwanag ni Bianca.

“While it would be great for everyone on YouTube to have millions of views, that is not the reality. I don’t measure my worth as a person with the number of views, subscribers, likes or comments I get. My goal with #PaanoBaTo is to empower people to get through tough times.” dagdag pa niya.

Nakakuha naman ng suporta si Bianca sa ilang mga netizens at kapwa ni Kakampink.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular