HomeCelebritiesGerald Anderson, may 'words of wisdom' para sa mga kalalakihan: "Be a...

Gerald Anderson, may ‘words of wisdom’ para sa mga kalalakihan: “Be a good partner”

Ibinahagi ni Gerald Anderson ang kanyang ‘words of wisdom’ para sa mga kalalakihan tungkol sa ‘modern masculinity’.

Sa panayam sa kanya ng Flex Magazine, ibinahagi ni Gerald na maituturing na ‘old school’ ang kanyang paraan ng pagpapakita ng kanyang pagkalalaki.

Isa na dito ay ang pagharap sa mga responsibilidad bilang isang lalaki.

Ibinahagi din ni Gerald na isa rin sa parte ng ‘modern masculinity’ ang pagiging mabuting tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)

“Medyo old school ako eh. I think a man should know his responsibilities. Kapag may maling ginawa, own up to the responsibilities. Kapag may tamang ginawa, learn from it,” aniya.

“Be a good citizen, be a good person, be a good partner, and be a good member of the family. Alagaan mo yung pamilya mo, alagaan mo‘yung mahal mo sa buhay. Be respectful, be competitive but also be humble. Always learn from your mistakes and try to be a good person. Para sa akin, I think that’s the modern man,” dagdag pa niya.

Ilang netizens naman ang hindi naiwasan na alalahanin ang nangyari sa relasyon nila ni Bea Alonzo na matatandaang naging kontrobersyal ang katapusan.

Matatandaan na inakusahan ni Bea si Gerald ng ‘ghosting’.

He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” ani Bea.

“I can’t even find the words to describe that man.” dagdag niya pa.

READ MORE: Bea Alonzo may komento sa relasyon ng kanyang ex na si Gerald Anderson at Julia Barreto: “He ghosted me. Makasarili siya!”

Sa isang panayam naman ay sinabi ni Gerald na umaasa siyang mapapatawad siya ni Bea.

I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nag-ho-hope lang ako.” sabi ni Gerald.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular