HomeCelebritiesWitness nila Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro, hindi dumalo sa hearing

Witness nila Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro, hindi dumalo sa hearing

‘No-show’ ang witness na inihanda sana ng kampo ni Deniece Cornejo laban sa aktor na si Vhong Navarro.

Nitong Oktubre 25 ay ibinahagi ng kampo ni Deniece na hindi nakadalo ang nasabing witness dahil sa mayroon itong problema sa pagbiyahe papuntang Maynila.

Ayon sa kanila ay kaibigan ni Cornejo ang nasabing witness na naging parte din ng nangyaring ‘condo issue’ noong 2014.

vhong court of appeals scaled

Ang nasabing hearing ay para sa hiling ng kampo ni Vhong na makapagpiyansa ito dahil sa diumano’y mga natatanggap nitong pagbabanta.

Dumalo naman ang asawa ni Vhong sa nasabing hearing upang ilahad ang kanilang mga natatanggap na mensahe  na patunay na hindi magiging ligtas ang aktor sa kustodiya ng BJMP sa Taguig City.

Samantala ay kagustuhan naman ng kampo ni Deniece na ilipat si Vhong sa BJMP dahil sa hindi naman diumano dapat hawak ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor.

Kailangan mapatunayan muna ng kampo ni Deniece na mayroong ‘strong guilt’ kay Vhong upang hindi ito makapagpiyansa.

Matatandaan na nabuhay muli ng Court of Appeals (CA) ang kaso laban kay Navarro na ibinasura na noon ng DOJ.

Ayon kasi sa CA ay kailangan ang korte ang magdesisyon kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo sa pagitan nila Vhong at Deniece.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular