HomeCelebritiesSunshine Cruz, itinanggi na buntis siya at si Cesar Montano ang ama

Sunshine Cruz, itinanggi na buntis siya at si Cesar Montano ang ama

Itinanggi ni Sunshine Cruz na siya ay kasalukuyang nagdadalang tao ngayon at ang ama ay ang dati niyang dating asawa na si Cesar Montano.

Sa kanyang social media page, itinanggi ni Sunshine ang ilang balita na kumakalat sa social media kung saan ay sinasabi na nagkabalikan na sila ni Cesar.

Kumalat ang nasabing balita ilang linggo matapos ang reunion ang dalawa nitong Agosto upang ipagdiwang ang ika-18 na kaarawan ng anak nila na si Sam.

Ayon sa kanya ay mayroon ng bagong pamilya si Cesar kaya’t malabo na magkabalikan sila.

“I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin.” ani Sunshine.

“Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband.” dagdag niya pa.

screencap 2022 10 26 at 4.40.02 PM

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Cesar tungkol sa kumakalat na balita tungkol sa kanila ni Sunshine.

Matatandaan na noong 2013 ay nagdesisyon na maghiwalay ang dalawa matapos ang 13 na taon nilang pagsasama.

Ibinahagi ni Sunshine na hindi maganda ang naging karanasan niya kahit na sa unang araw pa lamang ng kanilang kasal.

Sinubukan man manatili ni Sunshine sa kanilang kasal ay nagtapos din ito matapos niyang malaman ang diumano’y pambababae ni Cesar.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular