HomeCelebritiesDrama lang? Netizens kinuwestiyon ang regalong lumang cp ni Sharon Cuneta sa...

Drama lang? Netizens kinuwestiyon ang regalong lumang cp ni Sharon Cuneta sa anak niya

Tila inulan pa ng batikos mula sa ilang netizens ang pagreregalo ni ‘Megastar’ Sharon Cuneta ng lumang phone bilang birthday gift nito sa kanyang anak na si Miguel.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Sharon ang larawan kung saan hawak hawak pa ni Miguel ang natanggap nilang regalo mula sa kanyang bilyonaryong ina.

“Someone is turning 13 on [October 29 and 27]. He likes ‘having two birthdays’ and got a new, simple phone!” ani Megastar.

Ayon sa kanya ay hindi lamang si Miguel ang nakatanggap ng simpleng phone mula sa kanya kundi pati narin ang iba pa niyang anak.

“All my kids started with simple cellphones! Look how happy he was to finally get one!” sabi pa niya.

Tila hindi naman kumbinsido ang mga netizens na simpleng phone lang ang pagmamay-ari ni Miguel.

“Wow… feeling humble… sinong maniniwala na “SIMPLE PHONE” lang ang telepono ng anak mo… Kung maka Hermes/Louis Vitton ka tapos anak mo SIMPLE PHONE lang… kaplastikan na yan… wag kami sharon..” ani Jo Ann Blanco.

“Ang babaw naman shawie sino nman maniniwala na bibigyan mo ng ganyan cp anak mo susme wag ka ng mag pahumble effect.” sabi ni Zenaida Balancio.

“Wow ah kung ganito gift sakin ng mama ko kahit alam kong mapera sya alam mona talagang d ka mahal” komento naman ni Jonnavil Monsada.

Ngunit may ilan naman na ipinagtanggol ang anak ni Megastar.

“Madami dito comment ng di naintindihan. Hindi kasi sa value ng phone ung point ni Sharon kundi sa disiplina. Obviously ayaw nila na mababad sa phone anak nila kaya ngayon lang nila pinayagan magkaron ng cellphone si Miggy at that age and hindi smartphone na pwede syang mag access easily sa mga tempting na apps or sites. Pag ganyan kasi na phone, controlled nila na mostly pangtawag at text lang talaga, for contact purposes.” sabi ni Carrie Justicia.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular