May pakiusap influencer na si Bern Josep Persia o mas kilala bilang ‘Bekimon’ sa mga bagong henerasyon ng mga vlogger na huwag magpakalat ng ‘bad vibes’ sa social media sa pamamagitan ng pag-aaway.
Nitong mga nakaraang araw ay patuloy ang pagtatalo ng mga vlogger na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.
Marami ring mga sikat na influencer ang nadamay sa isyu kaya naman nakiusap si Bekimon na huwag na silang mag-away away.
Sa kanyang post, sinabi ni Bekimon na noong panahon nila ay hindi nag-aaway away ang mga influencer at malalapit sila sa isa’t isa.
Inalala din nito ang ilan sa mga sinaunang influencers at vlogger na ang dalawa ay pumanaw na.
“Hoooy mga influencers!!!! Tigil tigilan n’yo ang away hahahah Noong kami pa lang ang Youtubers at influencers sa Pilipinas, wala pang nag-aaway away noon. Awwww kakamiss din ang mga naunang Youtubers and influencers.” aniya.
“Jobert, Alodia, ako, Jamich, Jireh Lim hanggang sa era ni Lloyd Cadena, Kimpoy Feliciano, Petra Mahalimuyak, Moymoy Palaboy’s lip sync and dubs, Mikey Bustos…. Haaayst Panahong hindi pa uso masyado ang smartphones na may pre-installed Youtube. Para mapanood n’yo kami, rerenta pa ng computer sa computer shop tapos maasim na yung amoy ng foam ng headphones nila hahahahaha nakakamiss good old days.” dagdag pa niya.
Ibinahagi niya rin ang ilang larawan kung saan magkakasama ang mga tinaguriang ‘og’ vlogger.
Sa ngayon ay isa ng guro si Bekimon at nagbabalak ito na magbalik sa vlogging.