HomeCelebritiesXian Gaza, may bwelta sa abogado ni Wilbert Tolentino: 'Mukha kang barker...

Xian Gaza, may bwelta sa abogado ni Wilbert Tolentino: ‘Mukha kang barker sa Quiapo!’

May bwelta ang internet celebrity na si Xian Gaza sa abogado ni Wilbert Tolentino na si Atty. Toto Causing.

Ito’y matapos humiling ng public apology ang kampo ni Tolentino laban kay Gaza dahil sa mga diumano’y mapanirang pahayag nito laban sa talent manager.

Kung hindi diumano ito hihingi ng paumanhin ay maaring magsampa ng demanda si Tolentino.

xian gaza 1

“Wala kang basehan para magsabi ng kung ano-anong kuwento Mr. Xian Gaza. Kung hinihiling ko lang, bawiin mo ‘yan at sana humingi ka ng apology kay Mr. Wilbert Tolentino. Mag-live ka rin,” sabi ng abogado.

READ MORE: Abogado ni Wilbert Tolentino, may mensahe kay Xian Gaza: “Baka kasuhan po kayo ng libelo”

Pero ayon kay Gaza ay sa itsura pa lamang diumano ni Atty. Causing ay wala na itong kredibilidad.

“Itsura pa lang nung abugado eh talaga namang very credible na. Hindi mo iisiping bayaran eh. Mukhang barker sa Quiapo na suma-sideline sa isang Notary Public.” ani Gaza.

“Very persuasive yung mukha at pagsasalita. Kapani-paniwala. Sobrang na-sway yung public opinion. Pagpasok mo ng law office eh mapapasabi ka ng “Manong, may water po kayo?

“Kahit magsama-sama pa kayo mga mahihinang nilalang! Gagamitan ko lang kayo ng trenta porsyento ng aking lakas.” dagdag pa niya.

Hindi naman malaman kung palalampasin ba ng abogado ang nasabing pahayag laban sa kanya ng internet celebrity.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular