HomeCelebritiesKorina Sanchez, pinuri si presidential son Vinny Marcos: "Mukhang artista and very...

Korina Sanchez, pinuri si presidential son Vinny Marcos: “Mukhang artista and very amusing to talk to.”

Ibinahagi ng mamamahayag na si Korina Sanchez-Roxas ang kanyang pagpunta sa Bacolod City upang dumalo sa mga aktibidad ng Masskara Festival.

Ayon kay Korina ay isa sa mga aktibidad niya doon ay sundan ang first family na dumalo din sa nasabing festival.

“Work at the Masskara Festivities included following the First Family around Bacolod. President BBM’s attendance brought in even more excitement to the already uplifted spirits of the Bacolodnons: masaya sila as this is the first open Masskara Festival after two years + the price of sugar has never been this good for the farmers in 11 years!” aniya.

Sa kanyang mga larawan na ibinahagi sa social media ay makikita na nakasama ni Korina sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, First Lady Liza Marcos, Cong. Sandro Marcos, Vinny Marcos at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Hindi naman naiwasan ni Korina na magbigay ng komento kay Vinny.

“Spokesperson for the day is youngest son Vinnie, mukhang artista and very amusing to talk to. Watch his interview on Rated Korina soon about living in Kalipay for a whole month.” aniya.

Matapos makita ng mga netizens ang mga larawan ni Korina kasama ang first family ay hindi nila maiwasan na mapaisip kung totoo nga bang kukunin ng kasalukuyang administrasyon bilang cabinet member ang asawa ng mamamahayag na si dating DILG Sec. Mar Roxas.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular