HomeCelebritiesIsang pari sa Cagayan, nakapagpiyansa parin kahit paulit-ulit diumanong hinalay ang isang...

Isang pari sa Cagayan, nakapagpiyansa parin kahit paulit-ulit diumanong hinalay ang isang dalagita

Isang pari ngayon sa Cagayan ang posibleng mag himas rehas matapos itong hulihin ng mga otoridad dahil sa sumbong ng isang 16-anyos na dalagita na paulit-ulit diumano siyang biniktima.

Hinuli ng mga otoridad si Reverend Father Karole Reward Israel habang sinusundo nito ang complainant na si ‘Anna’.

Miyembro ng youth ministry ng St. Vincent Ferrer Parish ng Solana, Cagayan si Anna kung saan nakabase ang suspek.

screencap 2022 10 25 at 9.14.04 PM

Noong Pebrero diumano sila unang nagkausap ni Israel at niyaya rin siya nitong kumain labas.

Matapos nilang kumain ay dito na inumpisahan ng pari ang kanyang masamang balak sa dalagita.

Noong una ay isinumbong niya ito sa kanyang mga magulang ngunit hindi siya nito pinaniwalaan dahil sa isang pari ang suspek.

“Sinabihan ako na ‘baliw ka na’,” kwento niya sa News5.

Dahil sa hindi paniniwala ng kanyang magulang ay nagtuloy tuloy ang masamang gawain ni Father Israel sa dalaga.

Kahit diumano sa kumbento nila ay ginagawa parin ni Israel ang mga kahalayan sa biktima.

Sa kabutihang palad ay nagmagandang loob ang guro ni Anna at tinulungan siya nitong magreklamo sa mga otoridad laban sa pari.

Patong patong na reklamo ang kakaharapin ng pari at kung mapatunayan ay maaring manatili na ito panghabambuhay sa loob ng selda.

Sa ngayon ay nakalaya ang suspek matapos itong payagan na makapagpiyansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular