HomeSocial MediaGuro inireklamo ang pamamahiya ng estudyante: "Wala kang ipinapahiya pero yan ang...

Guro inireklamo ang pamamahiya ng estudyante: “Wala kang ipinapahiya pero yan ang sukli sakin”

Nanawagan ang isang guro sa mga magulang na sana’y madisiplina nila ang kanilang mga anak matapos nitong malaman ang ginagawa sa kanyang pamamahiya ng isa sa kanyang mga estudyante.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Sherwin San Miguel ang post ng isang guro kung saan ay makikita na kinukuhanan ito ng larawan ng kanyang isang estudyante sa gitna ng klase.

Nadiskubre din ng guro na ibinabahagi ng estudyante sa social media ang mga nasabing larawan niya ng hindi niya alam.

“Yung nag di-discuss ka. Ginagawa mo ng maayos trabaho mo, tapos biglang may magsasabi sayo na estudyante mo na naka My Day ka na raw at ang dami ng views and react. Iba na talaga mga kabataan ngayon. Ang hirap unawain. Mabait ka naman sa klase nila. Wala kang binabastos o ipinapahiya pero yan pa ang sukli sa akin ng isa sa kanila,” sabi ng guro.

309987537 5513041722120769 528649787545461281 n

Dahil dito ay nakisimpatya si Sherwin at hinimok ang mga magulang na sana’y huwag iasa sa kanilang mga guro ang lahat ng pagdidisiplina sa mga bata.

“Mga magulang sana nakikita niyo to. Kaninang umaga, isa lng ang nagpasa ng assignment na ibinigay ko, isang linggo ang nakalipas. Sa isang section pito lng ang nagpasa. Bakit ganun? Yung sinabi nung teacher sa post “wala kang binabastos at ipinahihiya pero ito ang sukli sakin” ang sakit sakit makabasa nito bilang isang guro! Sana disiplinahin niyo ang mga anak nyo. Pakiusap,” aniya.

Ang nangyari ay bumuhay muli sa mga panawagan na sana’y hindi lamang ang mga estudyante ang protektahan ng gobyerno pati narin sana ang mga guro.

“Sa kinauukulan, paki repasuhin ang mga batas na yan… Lumalaking walang disiplina mga bata sa panahon ngayon, samahan pa ng pag kunsinti sa mga bata na kung tutuusin dapat mag simula ang disiplina sa tahanan. Ang paaralan po ay katuwang lamang sa pag disiplina ng mga bata, tulungan po tayo. Kaso tali ang kamay ng mga guro sa pag disiplina sa panahon ngayon… Kung may karapatan kayo, meron din naman po ang mga guro…” sabi ni Patricio Sayson.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular