HomeCelebritiesDeniece Cornejo, inireklamo ang 'trial by publicity' sa kasong isinampa niya laban...

Deniece Cornejo, inireklamo ang ‘trial by publicity’ sa kasong isinampa niya laban kay Vhong NAvarro: “Mas side nila yung naririnig”

Hindi maitago ng kampo ng model na si Deniece Cornejo ang tila kawalan nila ng pagkakataon na masabi sa publiko ang kanilang panig sa gitna ng kaso na isinampa nila laban sa aktor na si Vhong Navarro.

Sa isang panayam, ibinahagi ng abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja ay panahon na para mapakinggan ng publiko ang panig ng kanilang kliyente at hindi lamang ni Vhong na isang sikat na artista.

“Ever since naman, ito yung kumbaga panahon para masabi yung side niya. So, ito yung pagkakataon.” ani Calleja.

 

“Kasi, all the while, makikita mo trial by publicity. Mas side nila yung naririnig. So ito na ‘yung pagkakataong marinig ‘yung side niya,” dagdag pa niya.

Matatandaan na ito rin ang reklamo ng dating abogado ni Deniece na si Atty. Ferdinand Topacio kaya naman halos kasuhan na nito ang asawa ni Vhong na si Tanya Bautista-Navarro.

Hindi kasi nagustuhan ni Topacio ang ginawang pagpapa-unlak ng panayam ni Tanya sa mga miyembro ng press tungkol sa kasong kinakaharap ng asawa niya.

READ MORE: Abogado ni Deniece Cornejo, balak kasuhan ang asawa ni Vhong Navarro

“We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity. THEY WILL BE HELD LIABLE!” ani Topacio.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular