HomeCelebritiesAtom Araullo, nakiusap na itigil na ang teorya na ipinangalan siya sa...

Atom Araullo, nakiusap na itigil na ang teorya na ipinangalan siya sa isang anti-Marcos movement

Nakiusap ang mamamahayag na si Atom Araullo na sana’y tigilan na ang pagpapakalat ng mga ‘teorya’ tungkol sa pinanggalingan ng kanyang pangalan.

Sa kanyang Facebook post, nilinaw ni Atom na hindi siya ipinangalan sa anti-Marcos movement na ‘August Twenty One Movement’ na matatandaang binuo noong nasawi si dating senador Ninoy Aquino Jr.

Maliban pa dito ay kumalat din sa social media ang pagiging National Chairperson diumano ng ina ni Atom na si Carol Pagaduan-Araullo ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

Sa kanyang mga tweet ay ibinahagi niya na ang Atom ay magkahalong pangalan ng Alfonso at Tomas.

Imposible din diumanong ipangalan siya sa August Twenty One Movement dahil 1982 siya pinanganak at 1983 nasawi si Aquino.

Sa huli ay idinaan na lamang sa biro ni Atom ang isyu at sinabi na baka gusto lamang malaman ng mga kritiko niya ang kanyang totoong edad na 40-anyos.

Matatandaan na noon pa lamang ay talagang pinaghihinalaan na si Atom ng ilang kritiko nito sa social media na diumano’y konektado sa mga kalaban ng gobyerno.

Ngunit sa kanyang tweet ay maaring matuldukan na ang mga teorya na bumabalot sa kanyang pangalan.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang ina ni Atom tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya na kumakalat parin hanggang ngayon sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular