HomeCelebritiesArnold Clavio, walang nakikitang masama sa pagkakatalaga kay ex-PNP chief Cascolan bilang...

Arnold Clavio, walang nakikitang masama sa pagkakatalaga kay ex-PNP chief Cascolan bilang DOH undersecretary

Walang nakikitang masama ang mamamahayag na si Arnold Clavio sa pagkakapili kay dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Clavio na hindi na bago ang pagkakatalaga sa mga dating pulis at sundalo na humawak ng ahensya na may kinalaman sa pangangalaga kalusugan ng taumbayan.

Ibinigay na halimbawa ni Clavio ang IATF na pinamunuan ng mga retiradong heneral.

“Wala akong nakikitang masama sa pagtalaga ni Pangulong Marcos kay Cascolan sa DOH.” Paumpisa ni Clavio. “Bakit ? Malala ang katiwalian sa loob ng DOH . Sa nagdaang mga panahon ,”

Ayon kay Clavio ay maaring si Cascolan na ang maaring makabuwag sa mga grupo na diumano’y gumagawa ng iligal na aktibidad sa loob ng DOH.

“Isang taga-labas ang tanging makakakita ng dumi sa loob . Isang bagong nilalang ang kailangan para malaman ang mga mali sa proseso,” aniya.

“Kung yan ang magiging trabaho ni Cascolan , maging graftbuster sa loob ng DOH , mas dapat pa tayong matuwa at suportahan ito,”Ā dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGanšŸ˜Ž (@akosiigan)

Matatandaan na ilang grupo ang kinontra ang pagkakatalaga kay Cascolan sa DOH dahil hindi naman diumano ito doktor.

Ngunit sa kanyang pahayag, sinabi ng retiradong heneral na gagamitin niya ang kanyang karanasan sa ‘management’ upang makapagtrabaho ng epektibo bilang DOH undersecretary.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular