Hindi maitago ng Archdiocese of Tuguegarao ang kanilang pagkabahala matapos maiulat na ang isa sa kanilang mga pari sa Cagayan ay gumawa ng kahalayan sa isang 16-anyos na dalaga.
Nitong nakaraang araw ay hinuli ng mga otoridad si Reverend Father Karole Reward Israel matapos itong sunduin muli ang kanyang biktima na si ‘Anna’.
Nahuli lamang ang suspek matapos siyang tulungan ng guro ni ‘Anna’ na magsampa ng reklamo dahil sa hindi pinaniniwalaan ang biktima ng kanyang mga magulang.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng Archdiocese of Tuguegarao na makikipagtulungan sial sa mga otoridad sa pag-iimbestiga laban kay Father Israel.
Hindi muna papayagan ang pari na makapagmisa habang tumatakbo ang imbestigasyon.
“He is meanwhile excused from the performance of his priestly obligations, except the obligation of prayer.” sabi sa kanilang pahayag.
Nag-alok din sila ng assistance para sa biktima kung sakali na mapatunayan na totoo nga ang akusasyon laban sa kanilang pari.
Ipinagdarasal din nila na ang kanilang mga pari na sana’y hindi maapektuhan ng kanilang kahinaan at gawin din ang ginawa ni Israel.
“If it is established that there is in fact a victim, assistance will likewise be extended. Meanwhile we earnestly ask for prayers for all our priests who bear all the frailties that afflict us all.” sabi pa nila.
Sa ngayon ay pansamantalang nakalaya ang suspek matapos itong payagan na makapagpiyansa.
Hindi naman maitago ng biktima ang pagkadismaya dahil sa malaya parin ang tao na gumawa sa kanya ng masama.