HomeCelebritiesAbogado ni Wilbert Tolentino, may mensahe kay Xian Gaza: "Baka kasuhan po...

Abogado ni Wilbert Tolentino, may mensahe kay Xian Gaza: “Baka kasuhan po kayo ng libelo”

Sinagot ng abogado ng talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino ang mga paratang na ibinato laban sa kanya ng convicted scammer na si Christian “Xian” Gaza.

Sa kanyang pahayag pinasinungalingan ni Atty. Toto Causing ang mga pahayag ni Gaza kung saan sinabi nito na pinuno diumano si Tolentino ng isang grupo na nanloloko ng mga foreigner.

Wala rin diumanong katotohanan ang iba pang mga akusasyon ni Gaza katulad ng diumano’y pananakot sa ilang mga nabibiktima nila.

“Asan ang ebidensiya mo? Kung wala kang ebidensiya, huwag ka na lang,” aniya.

Nilinaw din ni Causing na nilinis na ng mismong korte ang pangalan ni Tolentino na matatandaang nabanggit sa isang artikulo ng Inquirer tungkol sa naging raid ng NBI sa BPO company na I-Link.

Humaharap sa patong patong na reklamo ang mga may-ari ng I-Link dahil diumano sa pagbebenta ng laman.

Hinimok din ni Causing si Gaza na humingi ng paumanhin kay Tolentino kung ayaw nitong makasuhan.

“Wala kang basehan para magsabi ng kung ano-anong kuwento Mr. Xian Gaza. Kung hinihiling ko lang, bawiin mo ‘yan at sana humingi ka ng apology kay Mr. Wilbert Tolentino. Mag-live ka rin,” aniya.

Bago niya tapusin ang kanyang live ay iginiit ni Causing na malinis ang pagkatao ng kanyang kliyente at handa niyang isugal ang kanyang karera bilang abogado sa pagprotekta sa talent manager.

“Itong mundong kinagagalawan ni Mr. Wilbert Tolentino ay lagi siyang fresh. Kaya nga ka-freshness ang pangalan niya. Wala po siyang kasalanan. Very clean po siya,” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular