HomeCelebritiesZeinab Harake, humingi ng paumanhin kay Robi Domingo: "I'm really sorry"

Zeinab Harake, humingi ng paumanhin kay Robi Domingo: “I’m really sorry”

Buong tapang na humingi ng paumanhin ang internet celebrity na si Zeinab Harake sa aktor na si Robi Domingo.

Matatandaan na isa si Robi sa mga nasangkot sa rebelasyon ng talent manager na si Wilbert Tolentino laban kay Zeinab.

Ayon sa ilang screencap na ibinahagi ni Wilbert ay makikita ang mga mensahe sa kanya ni Zeinab kung saan binabalaan nito ang talent manager na huwag makipag-collaboration kay Robi dahil sa ‘wala itong market’.

“wag ung robi domingo ha walang market dun maloka ka dun shhh lang” ayon diumano kay Zeinab.

walang market 1

Dahil dito ay ilang beses nagbigay ng pahapyaw na nagbigay ng reaksyon si Robi tungkol sa komento laban sa kanya.

robi 2

Nagbahagi din ito ng kanyang post sa Instagram kung saan ay idinaan niya na lamang sa biro ang ‘walang market’ comment ng influencer.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)

Dito na nagbigay ng kanyang komento si Zeinab kung saan ay humingi ito ng paumanhin kay Robi.

“Again I’m really sorry Robi (crying emoji)” aniya.

zzeinab vs robi 2

Nagbigay narin ito ng kanyang public apology kay Robi sa kanyang live video na umabot ng mahigit isang oras at milyon milyong views.

Ngunit tila hindi agad agad makakalimutan ni Robi ang mga sinambit sa kanya ni Zeinab lalong lalo na ang mga fans ng aktor na hanggang sa ngayon ay hindi parin mapigilan batikusin ang influencer.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular