HomeCelebritiesXian Gaza, inakusahan si Wilbert Tolentino ng pagiging lider ng isang 'scam...

Xian Gaza, inakusahan si Wilbert Tolentino ng pagiging lider ng isang ‘scam group’

Inakusahan ng internet celebrity at convicted scammer na si Christian “Xian” Gaza ang talent manager na si Wilbert Tolentino ng pagiging sangkot diumano sa isang malaking sindikato na nanloloko ng mga credit card owners.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Gaza na siyang CEO ngayon ng isang kumpanya sa Thailand ang ilan sa mga diumano’y rebelasyon niya laban kay Wilbert.

Ayon sa kanya ay nakakapagtaka kung saan nakukuha ni Tolentino ang kanyang mga pinapamudmod sa mga followers.

Ibinahagi din nito ang isang artikulo mula sa Inquirer kung saan isang nagngangalang ‘Wilbert Tolentino’ ang pinangalanan na kasabwat diumano sa isang grupo na nagbebenta ng laman sa mga banyaga online.

Sa isang post pa ay ipinakita rin nito ang ilan sa mga testimonya mula sa mga nagpakilalang nagtrabaho sa isang kumpanya ni Wilbert.

Eto ang ilan sa mga testimonya ng mga nagpakilalang trabahador dati sa kumpanya ni Wilbert.

wilbert 2 wilbert 3 wilbert 4 e1666621697765

wilbert 5 1

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Wilbert tungkol sa mga matitinding akusasyon sa kanya ni Gaza na kasalukuyang nagtatago ngayon sa ibang bansa matapos tumakas sa kanyang kaso sa Pilipinas.

Matatandaan na sumikat si Wilbert sa social media matapos ang kanyang pakikipag-collaboration sa ilang mga sikat na vlogger katulad ni Zeinab.

Ngunit tila kapalit ng kasikatan na tinatamasa nito ngayon ay ang mga isyu na ibinabato sa kanya.

Hindi naman malaman kung ano ang magiging susunod na aksyon ng talent manager.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular