HomeSocial MediaPamilya ni Percy Lapid, pinaghihinalaan si BuCor head Bantag na sangkot sa...

Pamilya ni Percy Lapid, pinaghihinalaan si BuCor head Bantag na sangkot sa pagkasawi ng middleman

Naniniwala ang pamilya ni Percy Lapid na sangkot ang suspendidong Director General ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag sa pagkasawi ng middleman sa likod ng pagkasawi ng mamamahayag.

Sa isang pahayag nitong Oktubre 24, sinabi ng tagagpagsalita ng pamilya Lapid na si Atty. Berteni Causing na posibleng sangkot si Bantag sa misteryosong pagkasawi ng nasabing middleman kaya naman binabalak nilang magsampa ng kasong administratibo laban sa opisyal.

Isa rin diumano si Bantag sa mga huling binanatan ni Lapid bago ito masawi.

bantag 1

READ MORE: ‘Lalaking Cinderella’ na isang opisyal na huling binatikos ni Percy Lapid, itinuturong suspek ng ilang netizens

“Isa sa mga binanatan ni Percy Lapid si Bantag. Sa tingin ko may kinalaman sya sa pagpatay sa middleman kung pinatay man,” paliwanag ng tagapagsalita.

Tila nagpabaya din diumano si Bantag dahil sa hinayaan nito na makahawak ng cellphone ang middleman upang makahanap ng mga magpapatumba kay Lapid.

“Naging pabaya sya at nakalusot ang cellphone eh kung hindi may cellphone itong middleman hindi sana napatay si ka percy. Wala sanang kontratang nangyari,” sabi pa niya.

Samantala ay isa si Bantag sa 160 persons of interest ng PNP na posibleng nasa likod ng pagkasawi ng mamamahayag

“‘Yung nabanggit ko na out of the 160 na mga personalities doon na mga nakasama doon sa issues doon sa programa ni Sir Percy Lapid, ay lahat po ‘yun persons of interest,” sabi ni PNP chief Rodolfo Azurin nitong Lunes.

Wala pang pahayag si Bantag sa pagkakadawit sa kanya sa nasabing kaso.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular