Home Social Media Ingat! Pagbabahagi ng screenshot ng private conversation, maaring labag sa batas

Ingat! Pagbabahagi ng screenshot ng private conversation, maaring labag sa batas

0

Naging usap-usapan ngayon sa social media ang mga ‘resibo’ na ibinahagi ng talent manager na si Wilbert Tolentino laban sa kanyang dating content manager na si Zeinab Harake.

Nitong Oktubre 23 ay isinapubliko ni Tolentino ang ilan sa mga screenshot ng pribadong mensahe sa kanya ni Zeinab kung saan makikita ang mga masasamang komento diumano ng sikat na influencer laban sa iba pang sikat na personalidad.

READ MORE: Listahan ng mga kilalang personalidad na diumano’y sangkot sa Wilbert Tolentino x Zeinab Harake issue

Dahil sa trending sa social media ang ginawa ni Wilbert ay maraming netizens ang gustong gayahin ito.

Ngunit ilang abogado ang pinag-iingat ang mga netizen sa pagbabahagi ng mga screenshot ng mga pribadong mensahe na ipinadala sa kanila dahil maaring ang ‘resibo’ na kanilang ibabahagi sa publiko ang magpahamak sa kanila.

Ayon sa National Privacy Commission (NPC) maaring makasuhan ang sinumang indibidwal ng paglabag sa Data Privacy Act of 2012 kung ang mga ibabahagi nilang screenshot ng private messages ay naglalaman ng mga sensitibong impormasyon.

Ilan sa mga nabanggit na impormasyon ay ang pangalan, address, medical records, eskwelahan ng orihinal na nagpadala ng mensahe.

Maaring magmulta ng hindi bababa sa P500,000 at maghimas ng rehas ng higit sa isang taon ang mga indibidwal na mapapatunayan na magbabahagi ng mga private conversation na may sensitibong impormasyon.

Kung ang nasabing screenshot naman ay naglalaman lamang ng mga simpleng usapan at maingat na tinakpan ang mga sensitibong impormasyon ay hindi ito lalabag sa data privacy law.

“If it is simply the content of the conversation, with names and other identifiers redacted or cropped out of the conversation, it might not be within the scope of the DPA,” ayon sa opinyon ng NPC noong 2020.

screencap 2022 10 25 at 6.36.30 AM

Maaring magsampa ng reklamo sa NPC ang mga biktima ng mga nagpapakalat ng kanilang sensitibong impormasyon.

Facebook Comments