HomeCelebritiesZeinab Harake, pumalag sa rebelasyon sa kanya ni Wilbert Tolentino: "Ang tanda...

Zeinab Harake, pumalag sa rebelasyon sa kanya ni Wilbert Tolentino: “Ang tanda tanda mo na sinungaling ka”

Pumalag ang internet celebrity na si Zeinab Harake sa rebelasyon laban sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Matatandaan na ibinunyag ni Wilbert na si Zeinab ang kanyang content manager at nilinaw na binabayaran niya ito.

Ibinahagi din ni Wilbert ang mga diumano’y masasamang sinabi ni Zeinab laban sa ibang sikat na influencer katulad ni Madam Inutz at Whamos Cruz.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Sa kanyang live video na umabot ng mahigit isang oras, inisa-isa ni Zeinab ang mga akusasyon laban sa kanya ni Wilbert.

READ MORE: Wilbert Tolentino ibinunyag ang isyu niya kay Zeinab Harake: “Pinagkakitaan ni Zeb si Hipon,”

“Ang dami doon ang hindi totoo.. ewan ko, hindi ko alam parang nararamdaman ko na hindi ko na dapat i-explain ang sarili ko pero kailangan kong gawin eto ‘yung mundo ko, eto ‘yung gusto nila,” aniya.

Itinanggi din nito na pinerahan niya si Wilbert dahil sa ginagawa niya naman ang kanyang trabaho kasama na ang pag-promote ng mga content ng talent manager.

Tinawag niya rin ni Zeinab na sinungaling ang 47-anyos na talent manager.

“Hindi totoo ‘yung mga sinasabi mo, sinungaling ka. Ang tanda tanda mo na nangaganyan ka ng tao, dapat hindi ka ganyan,” sabi ni Zeinab kay Wilbert.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon si Wilbert sa paliwanag ni Zeinab.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular