HomeCelebritiesZeinab Harake, pinigilan diumano si Wilbert Tolentino na kunin talent si Madam...

Zeinab Harake, pinigilan diumano si Wilbert Tolentino na kunin talent si Madam Inutz: “Ngayon lang ingay nyan”

Ibinahagi ni Wilbert Tolentino na sinubukan siya noong pigilan ng kanyang dating content manager na si Zeinab Harake na kuning talent si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz.

Sa kanyang Facebook video, ibinahagi ni Tolentino na ipinaalam niya noon ang plano niya na kunin si Inutz bilang talent sa gitna ng kasikatan nito noon sa social media.

Ngunit pinigilan diumano siya ni Zeinab dahil sa naniniwala ang internet celebrity na hindi permanente ang kasikatan ni Inutz.

“Ma, ingat ka den kay inutz ha ganito kasi pag trending ka now after ilang months nganga na yan kaya wag ka din ganun kabigay hirap mag maintain ng name ngayon.” sabi diumano ni Zeinab kay Wilbert.

“Kaya alam ko ngayon lang ingay nyan ayoko lang mag-invest ka ng too much paalala ko lang hinay ka lang importante muna ngayon mauna ka macollab siya,” dagdag pa nito.

screencap 2022 10 24 at 12.45.35 AM
Larawan mula kay Wilbert Tolentino/FB

Itinuloy parin ni Wilbert ang kanyang plano dahil sa na-obserbahan niya na mayroong magandang istorya ng buhay si Inutz.

Ang tingin ni Wilbert ay ‘banta’ si Inutz kay Zeinab dahil sa magaling magpatawa ang kilalang online seller.

Marami narin diumanong hinarang si Zeinab na talent kay Wilbert kasama na dito si Whamoz Cruz, Toni Fowler atbp.

Sa ngayon ay mayroon ng 4.1-M followers si Inutz sa Facebook habang 1.05-M subscribers naman ang hawak nito sa Youtube.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular