HomeCelebritiesWilbert Tolentino ibinunyag ang isyu niya kay Zeinab Harake: "Pinagkakitaan ni Zeb...

Wilbert Tolentino ibinunyag ang isyu niya kay Zeinab Harake: “Pinagkakitaan ni Zeb si Hipon,”

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino tungkol sa isyu nila ng internet celebrity na si Zeinab Harake.

Ito’y matapos na ulanin siya ng batikos sa social media at tinawag na ‘user’ ng mga netizens dahil sa nasabing isyu.

Ibinahagi ni Wilbert sa kanyang video nitong Oktubre 23, 2022 na si Zeinab ang kanyang nakasama habang nag-uumpisa siyang pumasok sa vlogging industry.

Ayon kay Wilbert ay si Zeinab ang humawak sa kanyang channel at ito rin ang nagmamando ng kanyang mga gagawing content.

Nilinaw naman ng talent manager na binabayaran niya si Zeinab kapalit ng kanyang serbisyo.

“Kahit na bayad ‘yung per content namin, hindi ko ikinalat na bayad ‘yan.. Hinayaan ko lang na gumanda ang imahe niya [Zeinab] na siya ang tumulong sakin,” sabi ni Wilbert.

Ibinahagi rin ni Wilbert ang listahan ng mga tumulong sa kanya para ma-promote ang channel niya kasama na dito si Zeinab.

screencap 2022 10 23 at 10.14.55 PM

Ikinuwento din nito na si Zeinab rin ang nagpakilala sa kanya kay Herlene ‘Hipon Girl’ Budol.

Pagbubulgar ni Wilbert ay kumita ng P200,000 si Zeinab sa collaboration sa pagitan niya at ni Hipon na hindi alam ng komedyante at beauty queen.

“Pinagkakitaan ni Zeb si Hipon, just imagine kung gusto mo talagang tumulong kay Hipon dapat nag collab kayo, pero sabi mo sa akin ‘hindi mo siya iko-collab’ dahil magaling si Hipon,” rebelasyon ni Wilbert.

Dahil sa sinabi ni Zeinab kay Hipon ay doon na nagdesisyon na kunin ni Wilbert ang komedyante bilang talent niya.

Ibinunyag din nito ang iba pang mga masasamang sinabi diumano ni Zeinab sa mga vlogger na gusto siyang maka-collab.

Ngunit kahit mayroon silang isyu ay nagpapasalamat parin si Wilbert sa mga naitulong ni Zeinab sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular