HomeCelebritiesToni Fowler, may rebelasyon din laban kay Zeinab Harake: "2018 may kasalanan...

Toni Fowler, may rebelasyon din laban kay Zeinab Harake: “2018 may kasalanan ka sakin”

May bwelta si Toni Fowler kay Zeinab Harake matapos ang rebelasyon ng talent manager na si Wilbert Tolentino.

Nitong Oktubre 23, 2022, ibinahagi ni Tolentino sa social media ang kanyang mga rebelasyon laban kay Zeinab kasama na dito ang pagharang sa kanya ng internet celebrity na makipag-collab sa ilang vlogger kasama na si Toni Fowler.

Ayon kay Tolentino ay tinawag na ‘trash’ ni Zeinab ang ilan sa mga balak niyang i-collab kasama na si Toni at ang pamilya nito na kung tawagin ay ‘Toro Family’.

Dahil dito ay hindi nakapagpigil si Toni na mag-live upang batikusin ang sinabi sa kanya ni Zeinab.

Ibinunyag din nito na mayroong kasalanan si Zeinab sa kanya noong 2018.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Fowler (@tonifowlerpo)

Kwento niya kasi ay mayroong ipinakita si Zeinab na parte ng kanyang katawan sa dati niyang nobyo na si Rob Moya sa gitna ng kanilang inuman.

“Ikaw, ginawa mo ‘to kahit kasuhan mo ko, kitang kita ko to. Tumayo ka, tapos gumanon ka kay Rob tapos inangat mo ‘yung short mo tapos binaba mo ‘to. Halos kita na ‘yung —- mo,” pagbubulgar ni Toni.

Hindi naman niya napigilan na komprontahin si Rob sa nangyari ngunit ipinaliwanag ng kanyang ex-boyfriend na maaring lasing lang si Zeinab kaya niya ito nagawa.

Ayon sa kanya ay pinalampas niya na lamang ang insidente na ‘yon ngunit ibinulgar niya ito ngayon dahil narin sa mga sinabi ni Zeinab laban sa pamilya niya.

Hiniling niya rin na sana’y huwag ng idamay ni Zeinab ang pamilya niya na wala namang ginagawa sa kanyang masama.

Bago nito tapusin ang kanyang live ay nagbigay pa ng isang maanghang na mensahe si Toni.

“Kung tatawagin mo kaming trash, sasabihin ko rin na isa kang malaking basura na takot mawalan ng subscribers,” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular