HomeCelebritiesPara manalo lang? Ilang Kakampink, inungkat ang pagsuporta noon ni Miss Q&A...

Para manalo lang? Ilang Kakampink, inungkat ang pagsuporta noon ni Miss Q&A grand Winner Anne Patricia kay PBBM

Nag-viral sa social media ang naging sagot ni Miss Q and A: Kween of the Multibeks Grand Winner Anne Patricia Lorenzo laban sa diumano’y botante na hindi marunong pumili ng kanilang susunod na lider ng bansa.

Nitong Oktubre 22, 2022 ibinahagi ni Lorenzo ang kanyang winning answer kung saan sinasabi na mas pinili ng mga Pilipino na magpakahangal pagdating sa pagboto.

“Alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at kakayahan pero nagpapadala parin tayo sa mga matatamis na mga salita,” sabi ni Lorenzo.

Habang madaming netizen ang humanga sa sagot ni Lorenzo na tila patama diumano sa ’31-M’ na bumoto kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay may ilang Kakampink ang may suspetsa na sinabi lamang ito ng beauty queen para manalo sa nasabing patimpalak.

Inungkat ng ilang netizen ang post ni Lorenzo noong Mayo 10 kung saan ay makikita ang pagbabahagi niya ng larawan ni PBBM.

Mayroon din itong mensahe na hinihimok ang mga tao na suportahan ang magiging administrasyon ni Marcos.

The People Has Spoken Congratulations @bongbongmarcos Now let us Unite as One Nation. And let us Support the New Administration. For us to achieve a Better Philippines it is a Collective Effort. We Filipinos Deserves to have a Better Philippines.” aniya.

Anne patricia 1

Nagbigay din sila ng ilang komento tungkol kay Lorenzo.

“Sa post ni Anne Patricia, pinasalamatan niya si Juliana sa kanyang pagkapanalo sa Ms Q&A. Super mega Red Flag ito para sakin, sana hindi nalang niya binanggit sa post niya yun nakakasukang baklang kanal na un. I’m so disappointed at her. Wala man lang redemption at realization,” sabi ni @CedrickAngelo22.

Hindi pa nilinaw ni Lorenzo kung Pro o Anti BBM ba siya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular